Serious at emotional muna ako ngayon: ahehehehwahehehhehe
Akala ko
Akala nila
Akala ninyo
Madali ang buhay OFW
APRIL 1 dumating ako ng hongkong
Hindi para mag pasyal lang \kundi dahil din sa isang taong
Matagal ko ng d nakikita ang aking NANAY halos apat na taon narin d cya umuuwi ng pinas at halos 12 taon nrin ang nabuhos na pagod ng aking ina para ma suportahan ako at aking mga kapatid.
Sa kabila ng makukulay na ilaw ng mga matataas na gusali sa gabi...sa kabila ng kasayahan sa daan ay ang mga mapait na buhay ng ating mga OFW na nagtatarabaho dun... Di madali ang buhay nila sa HK gumising at natutulog ng madaling araw para lamang ma i angat ang buhay ng mga mahal sa buhay na iniwan sa pinas.
Akala ko ganun kadali ang trabaho ng mama ko. Kaya kahit sa isang araw lang nais kung masubukan ang nararanasan ng aking magulang.
Sa isang araw na yun...
nag car wash ako nag paligo ako ng tatlong aso ng amo ng mama ko. Pinasyal ko ang amo ng .ama ko..paglapos nito lumipat na naman ako ng isang trabaho.ayun ay nag linis ako ng art gallery..at nag bantay sa art gallery. Umuwi ako ng 1am saka pa ako nakakain ng hapunan..isang hamburger, fries at juice...nakakalungkot isipin na ganun pla kahirap ang ang buhay nila sa HK.. mahirap talag sobra
Minsan nga tumatawag sya at sinasabi nya sa akin na.....sumasakit ang likod at mga paa nya...totoo yan dahil kinabukasan yan din ang naranasan ko..halos d ako makatayo sa higaan dahil sa sakit ng likod ko.
At isa pa sa kanilang nilalabanan ay ang lungkot ng buhay dun. Sabi ko nga sa sarili ko sana d na ako pumunta ng hongkong..dahil halos papatayin ako ng lungkot
Pero at least sa isang 6 na araw ko sa HK naranasan ko ang buhay OFW. D ganun kadali ang pera..
Pero nakakapagtaka eh halos isang buwan na d nagpapadala ang mama ko sa akin ng allowance aheheheh cguro alam nya na na kumikita ako sa ngayon...kaya ok lang.....hanggat kaya ko magtrabaho...kakayanin ko...
Kaya mga OFW saludo ako sa inyo.